start your own blog now!
 
Read other blogs...

bathatula

"madilim ang panahon nang ako'y isilang kaya ang tula'y ginagawang tanglaw sa daraanan"

Friday, 20 July 2007

Isa

Nagkasakay kami sa dyip noong isang araw. Nakaupo ako sa tabi ng drayber. Siya, sumakay sa tapat ng Islamic Studies building. Nagkumustahan, ngiti, tango.  Tapos , bigla niyang sinabi, "Uy, nabasa ko yung sinulat ninyo, ang ganda". Nagulat talaga 'ko. Sinipat ko siya mula sa salamin, mukha naman siyang seryoso. Inisip kong 'yung isa kong tula na ineksibit ng Amado  sa Vinzons Hall ang tinutukoy niya, hindi pala. 'Yun palang sinulat namin ni Macis tungkol sa neoliberalismo. May kahati pala 'ko sa papuri.

Pero parang hindi pa rin ako makapaniwala. May hatid iyong kiliti sa aking tenga at puso. Siguro dahil matagal na ring hindi ako nakakatanggap ng komentong ganun. Basta, parang lumilipad ako habang sakay ng dyip. Parang noong unang araw na naging kami ni Macis. Parang umaawit ang hangin.

Wow. May nagbabasa pa pala sa bansang ito.

posted by: bathatula at 03:39 | link | comments (2) |

 

About me

Blogger:
Name: soliman agulto santos

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Recent comments

Mo'nonymous on Kung Ako’y Lim...

 

Counter

visited *loading* times