"madilim ang panahon nang ako'y isilang kaya ang tula'y ginagawang tanglaw sa daraanan"
Ibon at Mandirigma
Sa masukal na gubat
ay nasalubong ng ibon
ang mandirigma.
Saan ka tutungo?
ang tanong ng ibon.
Sa bundok,
sagot ng mandirigma.
Sa kapatagan kasi'y
bawal maging malaya.
”Nananawagan ako sa mamamayang Pilipino na labanan ang pahirap na diktadurya ni Gng. Arroyo. Ako ay nagsisikap na makalaya sa ilegal na pagkakakulong na ito, para makasama kayo sa mga laban sa loob at labas ng Kongreso."
- Rep. Crispin Beltran,
bago siya ipasok sa Camp Crame
para sa inquest ng kasong rebelyon.
Si Ka Bel,
kilala ng marami - lalo na
ng mga manggagawa, magsasaka’t
mga maralitang taga-lungsod -
ay walang habas na dinakip
at ipiniit sa paratang na
nagpapasiklab ng rebolusyon.
(Sa utos ng Presidenteng baligtad
ang pagkakilala sa kalayaan at demokrasya).
Sa pinakahuling balita,
tumaas daw ang presyon ng dugo ni Ka Bel,
hindi sa sindak o ligalig -
(sa pitumpung taon nang walang lubay
na pakikibaka’y tinakasan na yata siya ng takot)
kundi sa galit:
kasalanan ba ang ipaglaban
ang karapatan sa makatwirang sahod?
Ang paglaban para sa mga nagbubungkal ng lupa
at pagtutol sa demolisyon?
Ay! Palalong pinuno.
Sagot sa kahirapa’y buwis
sa hinaing ay bala
at sinumang maghayag ng katotohanan
ay walang salang bubusalan sa bibig.
Ano’ng kabalintunaan?
Ikinukulong ang nagtatanggol sa mamamayan.
At pinapaslang ang humihiyaw ng katarungan.
Sa loob ng piitan
si Ka Bel ay nagngingitngit,
hindi pinanghihinaan ng loob.
Igapos o ikulong man,
walang magawa ang Estado
sa patuloy na pagtakas
ng kanyang galit
sa mga taong sanhi ng pagkaduhagi
ng minamahal niyang kauri.
*****
Sa ika 20 anibersaryo ng EDSA 1
Walang patumangga,
inihasik ng impaktita
ang itim na usok
sa sambayanang nag-aaninag
sa pangakong tagumpay
ng EDSA,
sa kanilang mga mata
muling lumambong
ang madilim na pangitain
ng diktadurya:
déjà vu! sabi ng iba,
ang sabi ng nasa malakanyang, darna!
boy bagwis
darius
ilang-ilang
jason
kc ang
kenneth
kerko
len olea
makis
mykel andrada
noel barlecona
pogi
today
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
July 2007
March 2007
October 2006
July 2006
June 2006
April 2006
March 2006
October 2005
September 2005
August 2005
visited *loading* times